Reviews

What our students say

“I felt like I’m having a Master’s degree on playwriting! I went to workshops on screenwriting and I’m fascinated that it’s different from playwriting – although we still follow character, we still follow conflict, we still follow resolution. And the way Rody presented the theories, the ideas, it’s simplified na parang, ‘A, hindi ko pala kailangan ito’. Simple ang pagkakapresenta.”

 

Miggy Obina
45, Banker

“Being part of this workshop, na-remind ako sa basics, na-remind ako sa important stuff, ‘yung mga essentials na kailangan nandiyan sa script, kailangan nandiyan sa play na sinusulat mo. And I’m quite thankful kasi I started sa playwriting at a very good place pero at the same time, alam ko rin na mas may other level pa kong puwedeng maabot as a playwright. “

May Cardoso
26, College English instructor

“Hindi pa ako nakakapag-workshop ever sa pagsusulat so ako, sa mga previous works ko, sobrang sabog ng ideas. It takes me a long time to organize yung mga dapat ilagay mga kung anu-anong anek. So ngayon, masaya kasi ang dami kong na-pick up from my co-workshoppers and of course, kay sir Rody. Ang dami kong natutunan. Parang f*ck, ang galing!”

Carlo Tarobal
31, Asst. Director

“Minsan kasi kailangan mong i-exercise ‘yung senses mo as a writer, as an artist…Maganda ‘yung course kasi mas nagiging clear na nagbago ka nga din siguro as a writer kumpara noong bata ka kasi iba ‘yung mga sensibilities mo. Ma-ri-realize mo na ‘A, may nagbago na.’ or puwedeng, ‘A, gano’n pa rin pala ako.’ So ‘yung workshop nagiging pamantayan kung kamusta ka na bilang isang estudyante ng arts or ng pagsusulat.”

J-Mee Katanyag
31, TV Series Scriptwriter/Actor

“I think if you catch the first few minutes, makukuha mo na rin ‘yung ideas. And then we get deeper with examples from the more experienced writers in the class. And really, I think the people in the class are also asking the same questions that I had years ago that I never got to ask sa early workshops I went to so I think this is a good opportunity for beginner writers.”

Dingdong Novenario
39, IT Consultant/Fitness Instructor

“Kahit na mayroong mga creative writing programs na sa mga unibersidad, ang inclination no’n mas nasa fiction or poetry. At hindi masyado sa dramatic writing or sa playwriting. Ang magandang oportunidad dito focused talaga sa playwriting. Kaya siguro mas may malaking tiyansa na gumanda ‘yung isusulat natin na dula.“

Maynard Manansala
38, Filipino teacher
Enroll now!

or

Sign-up to know more!

* indicates required